LONDON – Pina-plantsa na ng United Kingdom government ang mga paghahanda para sa pagsisimula ng distribusyon sa bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech laban sa COVID-19.
Ayon sa UK government, sa Martes nakatakdang simulan ng kanilang National Health Service (NHS) ang rollout ng bakuna sa prayoridad na higit 80 healthcare workers, care home staff, at ilang residente.
May darating daw kasi na 800,000 doses ng naturang bakuna sa susunod na linggo.
Batay sa mga report, 40-milyong dose ng bakuna na gawa ng dalawang kompanya ang inorder ng gobyerno ng Britanya. Sapat daw ito para bakunahan ang 20-million ng kanilang 67-million na populasyon.
Kamakailan nang gawaran ng emergency use ng British government ang COVID-19 vaccine ng American company na Pfizer, na may partnership sa Germany-based na BioNTech.
Sila ang unang bansa na gagamit na ng COVID-19 vaccine sa kanilang residente nang hindi sa pamamagitan ng clinical trial.
Aabot sa 50 ospital ang pinili ng NHS na magpatupad ng COVID-19 vaccination sa bakuna ng Pfizer-BioNTech.,
Higit 1,000 vaccination centers sa buong bansa ang nakahanda para sa nakatakdang pagbabakuna.(Reuters)