-- Advertisements --
Naniniwala ang Ministry of Defence ng United Kingdom na mayroong epekto ang plano ng Russia na magdagdag ng sundalo sa giyera nila ng Ukraine.
Kasunod ito sa ginawang pagpirma ni Russian President Vladimir Putin ng batas na magdagdag ng 137,000 na sundalo mula sa dating 1.15 milyon.
Subalit ayon sa UK Ministry of Defense na ang hakbang na ito ng Russia ay nagpapakita na natatalo na sila sa laban nila ng Ukraine.
Sa kasalukuyan kasi ay nilimitahan lamang ng Russia sa isang milyon ang bilang ng kanilang sundalo kabilang dito ang 900,000 na mga sibilyan staff.