-- Advertisements --
Nakatakdang magpadala ang United Kingdom ng 120 armoured vehicles at bagong anti-ship missile systems sa Ukraine.
Ito ang napagkasunduan sa ginawang pag-uusap nina British Prime Minister Boris Johnson at Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Sinabi ni Johnson na nakikita ang pagiging matapang na lider ang Ukrainian president.
Magugunitang personal na bumiyahe si Johnson sa Kiyv kung saan nakausap niya ang pangulo ng Ukraine.
Bukod pa dito ay tiniyak ng UK ang pagpapahiram nila ng nasa $500 milyon na tulong sa Ukraine.