-- Advertisements --

Nakapagtala na ng dalawang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Omicron variant ang United Kingdom (UK).

Ang dalawang kaso ay iniuugnay sa mga bumiyahe sa southern Africa.

Sa statement ng UK government, matapos umano ang magdamag na genome sequencing, ay nakumpirma ng UK Health Security Agency ang COVID-19 na mayroong mutation na B.1.1.529.

Ang isang kaso ng nakamamatay na virus ay naitala saNottingham City at ang isa naman ay sa Chelmsford na nasa silangan ng London.

Dahil dito, sinabi ng UK Health Secretary Sajid Javid na agad nag-isolate ang indibidwal habang isinasagawa ang contact tracing.