Sisimulan na sa Enero 4, araw ng Lunes, ang pamimigay ng United Kingdom (UK) ng unang doses ng coronavirus vaccine na gawa ng Oxford-Astrazeneca.
Mayroong 530,000 na available doses ng gamot kung saan nagsisimula na rin ang pag-imbita ng mga vaccination centres sa mga pasyente na magpabakuna.
Nakalatag na rin ang priority groups para sa immunisation program ng British government na magsisimula sa mga care home residents, mga indibidwal na may edad 80-anyos, at health care workers.
Ginawa ang desisyong ito matapos isalalim sa tier four restrictions ang mamamayan ng England.
Umorder ang UK ng 100 million doses ng bagong bakuna na sapat na raw para bakunahan ang 50 milyong populasyon ng nasabing bansa.
Inaasahan na sa loob ng isang linggo ay matuturukan ng bakuna ang nasa dalawang milyong pasyente.
Una nang binigyan ng authorization ng Medicines and Healthcare products Regulatory Agency (MHRA) ang dalawang doses ng gamot mula Oxford, kung saan ang ikalawang dose ay ibibigay sa loob ng apat hanggang 12 linggo.