-- Advertisements --
Mayroon na lamang dalawang natitirang kandidato na papalit kay British Prime Minister Boris Johnson.
Sa ginawang huling round ng botohan ng parliamento ay nakakuha ng 137 boto si Rishi Sunak habang mayroong 113 na boto si Liz Truss.
Habang natanggal sa karera ng pagka-Prime Minister si Penny Mordaunt na mayroon lamang 105 boto.
Sa buwan ng Setyembre ay magbobotohan ang nasa 160,000 na rank-and-file miyembro ng partido at dito iaanunsyon ang susunod na prime minister.
Kapwa nagpasalamat ang dalawa sa kani-kanilang mga social media kung saan ang dalawa rin ay naging miyembro ng gabinete ni Johnson.
Si Sunak ay naging UK finance minister mula 2020 hanggang 2022 habang si Truss ay kasalukuyang foreign secretary.