-- Advertisements --

Magbibigay ng dagdag na $3.64 milyon na pondo ang United Kingdom sa Syrian Civil Defence o kilala bilang White Helmets bilang suporta sa rescue and emergency relief operations matapos ang pagtama ng magnitude 7.8 na lindol.

Sa kabuuan ay mayroon ng $4.62 milyon ang naipamigay na pondo ang UK sa Syria.

Bukod sa UK ay nangako rin ang France na magbibigay ito ng $12.92 million sa Syria.

Nakarating na rin ang unang convoy na magbibigay ng tulong sa opposition-held north-western Syria na tumawid sa teritoryo mula sa Turkey.

Nagkaroon ng balakid ang rescue efforts sa Syria dahil sa mga sirang kalsada at tulay.

Ayon kay UN Secretary General Antonio Guterres na ang anim na trucks na naglalaman ng shelter at ilang mga relief supplies ay nakarating na rin.

Umaabot na rin aniya sa mahigit 21,000 mga katao na ang nasawi sa Turkey at Syria dahil sa magnitude 7.8 na lindol.