-- Advertisements --
Binatikos ng United Kingdom ang ginawang pagbawi ng US sa kanilang mga sundalo na nakatalaga sa Afghanistan.
Sinabi ni Defense Secretary Ben Wallace na dahil sa desisyon na ito ng US ay lumakas ang loob ng mga Taliban na sakupin ang malaking bahagi ng nasabing bansa.
Naniniwala din ito na mapapalakas pa ng Al-Qaeda group ang kanilang puwersa dahil sa kawalan ng mga sundalong Amerikano.
Ang nasabing desisyon ay nagbunsod sa pagpirma ni dating US President Donald Trump ng kasunduan na alisin na ang lamang ang sundalo ng US kaya wala na ring ginawa ang UK kung hindi alisin na rin ang kanilang sundalo.
Sa kasalukuyan ay mayroong 600 na sundalo ng UK ang nasa Afghanistan para tulungang mapalikas ang mga mamamayan nila.