-- Advertisements --
Kinikilala ng Philippine Medical Association (PMA) ang maayos na ugnayan ng national at local government para sa mas organisadong pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay PMA VP Dr. Benito Atienza sa panayam ng Bombo Radyo, mas maayos na ngayon ang pagtugon sa pangangailangan ng mga manggagamot at iba pang nasa medical profession.
Sinabi rin ni Atienza na mula nang mabigyan ng higit na atensyon, sapat na PPE at iba pang proteksyon para sa frontliners ay bumaba na rin ang naitatalang fatalities sa hanay ng mga health workers.
Pinayuhan naman ng PMA official ang publiko na patuloy na sundin ang quarantine protocols, dahil ito ang magiging susi para matuldukan na ang pagkalat ng nasabing sakit.










