-- Advertisements --

Kapwa naabot nina Cuban boxing champion Yordenis Ugas at Errol Spence Jr ang kanilang catchweight na 147 pounds.

Sa ginawang weigh-in ay tumimbang ang American boxer na si Spence ng 146.2 lbs. habang si Ugas ay mayroong bigat na 146.8.

Gaganapin sa Abril 17 sa Arlington, Texas ang laban ng dalawa.

Ang unbeaten IBF/WBC welterweight champion na si Spence ay mayroong 27 panalo, walang talo na mayroong 21 knockouts habang Ugas ay mayroong 27 panalo, apat na talo na mayroong 12 knockouts.

Sinabi ni Derrick James ang trainer ni Spence na inaasahan nila ang matinding laban dahil sa pagiging uhaw sa panalo ng kaniyang alaga kung saan mahigit walong buwan itong hindi lumaban dahil sa operasyon sa mata siyang dahilan para palitan siya ni Ugas sa pagharap kay Manny Pacquiao noong Agosto.