Duda si UFC President Dana White na tuluyan nang nagretiro si Conor McGregor.

Sinabi ni White na ginawa na ng Irish fighter ang pagretiro noon pang taong 2016 matapos na magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan sa kontrata.

Kuwento pa ni White, ibinasura nito ang hiling ni McGregor na labanan si Donald “Cowboy” Cerrone sa Hulyo kaya maaaring inulit muli nito ang eksena.

Magugunitang inanunsiyo ni McGregor ang kaniyang pagreretiro noong nakaraang linggo lamang.