Nagbubunyi ang United Arab Emirates matapos ang matagumpay nilang paglulunsad ng Japanese rocket na parte ng misyon nito sa Mars.
Umaasa ang mga siyentipiko at researchers mula sa nasabing bansa na dahil sa hakbang na ito ay mas marami pang makakalap na detalye tungkol sa red planet.
Ngayong araw din sisimulan ng Hope ang pitong buwang paglalakbay nito papuntang Mars. Sakay ito ng H2A rocket mula Tanegashima Space Center sa southwestern Japan.
Ang nasabing rocket ay may lawak na 8 meters at may bigat naman na halos 1.5 tonelada. Plano ng UAE na makarating ito sa orbit ng Mars sa 2021 kasabay ng ika-50 taon anibersaryo nang pagkakatatag nito.
Kasama rin sa layunin ng bansa na bawasan ang pagdepende nito sa langis at aralin ng mabuti ang knowledge-based economy.