-- Advertisements --
Lava fountaining Mayon

Nagbigay ng donasyong pagkain ang United Arab Emirates (UAE) para sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay.

Kabilang sa ibinigay na donasyon ng UAE ay nasa 55 tonelada ng food relief na dumating pasado alas-5 nitong umaga sa may Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Sinalubong nina Interior Secretary Benhur Abalos, Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, Transportation Secretary Jaime Bautista at UAE Ambassador Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi ang pagdating ng mga donasyon.

Ayon kay Sec. Abalos na mahalaga ang naturang mga donasyon bilang pagpapakita ng pagkakaibigan ng dalawang bansa at naipaalam na rin aniya ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at nagpasalamat sa ibinigay na donasyon ng UAE.