-- Advertisements --

Maraming mga flights ang nakanasela at naantala dahil sa muling pananalasa ng malakas na pag-ulan sa Unite Arab Emirates.

Pinayuhan din ng gobyerno ang mga mag-aaral at mga mangagawa na manatili na lamang sila sa bahay nila.

Ang nasabing bagyo ay nangyari mula matapos ang dalawang linggo ng makaranas ng malawakang pagbaha ang ilang bahagi ng bansa at maging ang karatig na bansang Oman na ikinasawi ng apat na katao sa UAE.

Ang nasabing pagbaha rin sa Oman ay kumitil ng nasa 19 katao kabilang ang 10 bata matapos mabaha ang kanilang paaralan.

Bagamat ang nasabing pag-ulan ay hindi tulad noong nakaraang dalawang linggo ay mabilis namang bumaha sa lugar sa loob lamang ng 12 oras.

Hindi kagaya noong una ay nakahanda na ngayon ang mga residente matapos na magpalabas ng warning ang kanilang gobyerno.