Bo Perasol
Bo Perasol/ UP FB post

Hindi tinanggap ni UAAP basketball comissioner Jensen Ilagan ang apela ni University of the Philippines (UP) basketball head coach Bo Perasol.

Kasunod ito ng three-game suspension matapos ang ginawang pagwawala nito sa laban nila ng Ateneo noong Setyembre 29.

Inilatag ni Ilagan ang mga hakbang na ginawa ni Perasol gaya ng patuloy nitong pagmumura laban sa official na si Jaime Rivero matapos ang kaniyang ejection, gayundin hindi agad na pag-alis sa court kahit na ito ay pinapaalis na, pag-akusa at pagduro sa referee.

Paglilinaw din ni Ilagan na hindi lamang umano ang mga opisyal ang binastos ni Perasol kundi maging ang buong UAAP.

Ang masama aniya na bahagi dito ay hinid man lamang agad na humingi ng paumanhin si Perasol.