U2
U2/ IG post

Nasa Pilipinas na ang sikat na bandang U2 para magsagawa ng kauna-unahang concert ngayong araw Disyembre 11 sa Philippine Arena.

Mula pa nitong Miyerkules ay kinabisado na ng banda ang stage at sila ay nagsagawa na rin ng soundcheck.

Kabilang kasing napili ang Pilipinas sa 1987 Joshua Tree concert tour na nagsimula sa New Zealand, Australia, Japan, Singapore at South Korea.

Binubuo ito ng miyembro na sina Adam Clayton sa bass guitar, Larry Mullen Jr sa drums at the Edge sa lead guitar at keyboards.