george floyd 1

Sinigurado ni President Donald Trump na maibibigay ang hustisya na nararapat para sa pagkamatay ng black american na si George Floyd, 46-anyos.

Si Floyd ay isa lamang sa libo-libong biktima ng racial crime sa Estados Unidos.

Sinabi ni Trump na inutusan na nito ang Federal Bureau of Investigation (FBI) at Department of Justice na madaliin ang gagawing imbestigasyon sa nangyaring krimen.

Nagbunsod ng malawakang kilos-protesta sa Minneapolis at Minnesota ang pagkasawi ng 46-anyos na biktima na nakaranas ng karahasan mula sa kamay ng mga pulis.

Isang malawakang kilos-protesta kasi ang isinagawa ng mga residente mula sa iba’t ibang estado sa Amerika dahil sa pagkamatay Floyd.

Batay sa mga reports, nakiusap umano si Minneapolis Mayor Jacob Frey kay Minnesota Gov. Tim Walz na magpadala ng National Guard sa kanilang lugar upang kontrolin ang kaguluhan.

Nais ng mga ito na arestuhin ang mga pulis na tumuhod sa leeg ng biktima na naging rason ng agarang pagkamatay nito.

Pinagbabato ng mga raliyista ang sasakyan ng mga pulis habang bumawi naman ang mga otoridad sa pamamagitan ng pagbato ng pepper spray at tear gas sa mga nanggugulo.

Nagkaroon din ng palitan ng putok ng baril sa magkabilang kampo kung saan marami ang sugatan.

Makikita sa viral video na ilang ulit nagmakaawa si Floyd para tanggalin ng pulis ang tuhod nito sa kaniyang leeg dahil hindi na raw ito makahinga.