-- Advertisements --
jones jr mike tyson

Tiniyak ng kampo ni boxing legend Mike Tyson na magiging totoo ang laban nito kay Roy Jones Jr.

Ito ay kahit na hanggang walong rounds lamang ang exhibition fight ng dalawa sa darating na Nobyembre 29 sa Staples Center sa Los Angeles.

Ayon boxing coach ni Tyson na si Rafael Cordeor, matagal na itong pinaghandaan ni Tyson.

Ang nasabing laban ay tila ito raw ang unang laban niya matapos ang 15 taon.

Samantala, paglalabanan nina Tyson, 54, at Jones, 51, ang bagong tatag na WBC Frontline Battle Belt.

Ngayon pa lamang ang bakbakan ng retired undisputed heavyweight champion at dating four-division world champion na si Jones ay inaasahang babasag sa live sports streaming.