-- Advertisements --

Ibinunyag ni dating boxing champion Mike Tyson na tumira muna ng marijuana sa araw ng exhibition fight niya kay Roy Jones Jr.

Isinagawa ng 54-anyos na boksingero ang paggamit ng marijuana bago ang pagsasailalim sa Voluntary Anti-Doping Association bago ang laban.

Dagdag pa nito na hindi niya maiwasan ang paggamit ng marijuana at lagi itong gumagamit.

Magugunitang sa nasabing laban sa dating four-division champion Roy Jones Jr ay nagtapos sa draw ang nasabing laban.