-- Advertisements --

Lumalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang typhoon Kristine na may international name na Haishen.

Huli itong namataan sa layong 1,075 km sa hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay na ng naturang sama ng panahon ang lakas ng hangin na 185 kph at may pagbugsong 230 kph.

Kumikilos ito ng pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Pero babala ng Pagasa, kahit makalabas ng PAR ang typhoon Kristine, may mga aasahan pa ring localized thurnderstorm, lalo na tuwing hapon at gabi.