CAUAYAN CITY – Pormal nang binuksan nitong Biyernes ng hapon ang twin sporting events na kinabibilangan ng 14th South East Asian Youth Athletics Championships at 2019 Ayala Philippine Athletics Championships sa Ilagan City Sports Complex sa lalawigan ng Isabela.

Pinangunahan ang parada ng mga atleta at sporting officials ng Pilipinas, Brunei, Cambodia, Timor Leste, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam.

Lumahok din sa parada ang mga kasapi ng PNP, Philippine Army, mga opisyal ng pamahalaan, mga opisyal ng barangay sa siyudad ng Ilagan, mga kasapi ng Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at LGU employees.

Ang openning ceremony ay dinaluhan din nina PATAFA President Philip Ella Juico at Schools Division Supt. Dr. Cherry Ramos ng Department of Education sa Ilagan.

Matapos ang opening ceremony ng twin sporting events ay sinundan ng pagtatanghal ni international singer Arnel Pineda at ang grand fireworks display.

Magtatapos sa ika-3 ng Marso, ang South East Asian Youth Athletics Championships na kaagad susundan ng susundan ng 2019 Ayala Philippine Athletics Championships na gaganapin ika-6 hanggang ika-8 ng Marso.

Sabado ng umaga ay magsisimula na ang mga laro para sa 14th South East Asian Youth Athletics Championships.