-- Advertisements --

Hindi pa nakakabangon ang Turkey at Syria sa naranasan nilang mangnitude 7.8 na lindol noong nakaraang mga linggo ay muli silang niyaning ng magnitude 6.4 na lindol sa Turkey-Syria border region pasado ala-1 ng madaling araw ng Martes oras sa Pilipinas.

Ayon sa European Mediterranean Seismological Center, na ang aftershock sa Hatay province sa Turkey ay may lalim ng dalawang kilometro.

Naging epicenter nito ang bayan ng Defne at malakas na naranasan ito sa Antakya and Adana.

Maging sa Jordan, Israel at Egypt ay naramdaman din ang pagyanig.

Wala namang naiulat na nasawi sa nasabing bagong pagyanig.