Aminado si PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na malaking hamon para sa kanila ang napaulat na mas malaking bilang ng mga drug users ngayon, para mas lalong pagpursigihin pa ng PNP ang kampanya kontra droga.
Itinanggi naman ni Albayalde na hindi nagtagumpay ang war on drugs ng administrasyon sa sinasabing pagtaas ng bilang ng mga drug adict sa bansa.
Paliwanag ni Albayalde ang inisyal na estimate na 3 milyon ay at posibleng hindi na-ireport ang lahat ng mga aktuwal na gumagamit ng illegal na droga.
Sinisi ni Albayalde ang mga dating Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC), na maaring hindi ini-report ang ilang mga drug dependents na kamag anak o kaibigan.
Pero ngayon aniyang may mga bagong halal na baranggay officials at naging mas-mahigpit ang DILG sa mga BADAC, ay mas makatotohanan na ang iniuulat nilang bilang ng mga drug dependents sa kanilang nasasakupan.
Magugunitang inihayag ng pangulo kamakailan na umaabot na sa pitong milyon ang drug users sa bansa, na mahigit doble sa tatlong milyong sinasabing drug dependents noong simula ng kampanya kontra droga.