-- Advertisements --
Marcos on World Economic Forum 3

Sang-ayon si National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon na maaaring maipagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naging pagtutulungan ng pamahalaan at ng pribadong sektor kontra COVID-19 pandemic kaugnay ng partisipasyon nito sa World Economic Forum.

Sinabi ni Edillon na naipapakita kasi ng naging pagtutulungan na naging isang mahalagang sangkap ito upang mabilis na makabangon ang Pilipinas mula sa pandemya.

Dagdag ni Edillon na nakatulong din ang macroeconomic fundamentals sa mabilis na recovery ng bansa, habang mahalaga din sabi ng NEDA official na maipagmalaki ang resiliency o katatagan ng mga Pilipino sa harap ng mga kalahok sa World Economic forum.

Mahalaga din ani Edillon na mabigyang diin ng Pangulo na bukas na ang pintuan ng Pilipinas sa renewable energy sector gayundin ang interes ng bansa sa teknolohiya na aniya’y makatutulong ng malaki sa mabilis na pag-unlad.

Ang mga ito, sabi ni Edillon, ang maituturing na investment regime –resiliency, macroeconomic fundamentals, at pagtutulungan tungo sa mabilis na naging pagbangon mula sa pandemya.