-- Advertisements --

Itinuturing na ng Phivolcs bilang swarm earthquake ang naitatalang mga pagyanig sa Bicol region.

Matatandaang nagsimula ito maitala noon pang isang linggo, ngunit hanggang nitong mga nakaraang oras ay may mga nararanasan pa ring aftershocks.

Nagdulot na ito ng bahagyang pinsala, kung saan ilang establishimento ang nagkaroon ng pagkasira, may pintuan pang bumagsak at mga panindang nagbagsakan.

Pero ayon sa Phivolcs, hindi pa ito matatapos hangga’t may enerhiya pa sa ilalim ng lupa na hindi naire-release.

Sa record ng ahensya, nakaranas na rin dati ng swarm earthquake sa Batangas area, kung saan bumagsak ang isang lumang simbahan at marami ang nakitang bitak sa mga istraktura sa lugar.