-- Advertisements --

Bumubuhos pa rin ang natatanggap na tulongng Ukraine mula sa iba’t-ibang bansa.

Sa nagaganap na foreign ministers meeting ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) nangako ang maraming bansa ng tulong para tuluyang malabanan ng Ukraine ang Russia.

Ayon kay Italian foreign minister Antonio Tajani na gagawin nila ang makakaya para tulungan ang Ukraine lalo na ngayong winter.

Sinabi naman ni Czech Republic’s foreign minister Jan Lipavsky na dapat ay pumayag ang NATO sa package ng non-lethal aid para tulungan ang Ukraine sa mga susunod na buwan.

-- Advertisement --

Pagtitiyak din ni Slovakia’s foreign minister Rastislav Káče na dapat pabilisan ang NATO membership ng Ukraine.