-- Advertisements --
Patuloy ang pagbuhos ng tulong sa bansang Ukraine.
Ayon kay Danish Defense Minister Morten Bødskov, na tiniyak ng 26 mga bansa na magbibigay sila ng dagdag na $1.55 bilyon na tulong sa Ukraine.
Nagsagawa kasi ng pagpupulong ang mga ministers mula sa 26 na bansa sa Copanhagen.
Sa nasabing pulong ay tinalakay ang long-term support sa Ukraine kabilang dito ang military training at supplies.
Labis naman ang pasasalamat ni Ukraininan defense Minister Oleksil Reznikov sa ginawang pagtitiyak ng mga bansa ng tulong sa kanila.