CENTRAL MINDANAO- Umaabot na sa P16,596,500.00 milyon ang mga donasyon na cash na pera at tseke na tinanggap ng Provincial Government ng Cotabato para sa mga biktima ng tatlong magkasunod na lindol.

Ito mismo ang kinumpirma ni Cotabato Acting Governor Emmylou”Lala”Taliño Mendoza sa ginanap na Inter-Agency meeting sa Provincial Capitol Rooftop sa Brgy Amas Kidapawan City.

Hindi pa anya kasali rito ang food at non-food donation kabilang na ang tulong ng mga ahensya ng pamahalaan.

Tiniyak ni Mendoza na ang lahat ng tulong na tinanggap ng Provincial Govnt ay direktang mapupunta sa mga biktima ng lindol.

Nagbigay din ng P15,715,311.00 milyon ang Office of Civil Defense (OCD) at National Desaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kabilang sa mga natulungan ang 36 ka tao na sugatan sa lindol na tumanggap ng P10,000 ang 14 katao na nasawi kung saan tumanggap ang kanilang pamilya ng 20k.

Ang DSWD naman ay nagbigay ng P49,226,221.20 milyon,P29,081,221.20 milyon na food at non-food na direktang tinanggap ng mga biktima nang lindol sa probinsya ng Cotabato.

DOH-P1,253,346.22 milyon at ibang ahensya pa ng gubyerno at mga pribadong sektor.

Nilinaw ni Gov Mendoza na sapat ang tulong sa mga pamilya na sinalanta ng lindol at hindi nagkulang ang Provincial Government.

Nagpasalamat naman ang gobernadora sa lahat ng mga tumulong at magbibigay pa ng tulong sa mga biktima ng lindol.