-- Advertisements --

Unti-unti nang tinutupad ng Estados Unidos ang pangako nitong tulong sa Lebanan matapos ang trahedya na naganap sa syudad ng Beirut.

Nais kasing siguraduhin ng mga US officials na matatanggap ang naturang tulong ng mga tunay na nangangailangan at hindi mapupunta sa Iranian-backed Hezbollah.

Sakay ng C-17 transport aircraft ang mga pagkain, tubig at medical supplies mula military Central Command ng US sa Qatar at inaasahan na may dadating pang dalawang eroplano sa susunod na 24 oras.

Pinaplano na rin umano ng Trump administration na maglaan pa ng $15 million (P700 million) para sa disaster assistance ng Lebanon. Subalit may agam-agam pa rin dito ang ilang opisyal ng Amerika dahil sa papel ng Hezbollah sa Lebanese government at sa lipunan.

Kinikilala ang Hezbollah bilang legitimate political party sa Lebanon ngunit itinuturing ito bilang isang terorista ng State Department dahil sa kanilang anti-Israel stance at maging ang mga nagdaang pag-atake nito sa Jewish state.