Umabot na sa P93.7 million ang halaga ng mga tulong na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa mga residenteng naapektuhan ng sama ng panahon.
Ayon sa DSWD, nabigyan na ng tulong ang kabuuang 300,545 na pamilya o katumbas ng 1.2 million na mga indibidwal.
Naibigay na ang mga family food packs at iba’t-ibang mga non-food items upang suportahan ang lahat ng mga bayan na apektado ng baha na dulot ng shear line at low pressure area.
Ang bawat FFP, na nagkakahalaga ng P500, ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, apat na lata ng corned beef, dalawang lata ng tuna flakes, dalawang lata ng sardinas, limang sachet ng kape, at limang sachet ng energy drink.
Ang DSWD ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga apektadong bayan at iba pang ahensya ng gobyerno upang mapadali ang pamamahagi ng mga relief goods.
Dagdag dito, batay sa datus ng National Disaster Risk Reduction management Council(NDRRMC) umabot na sa bilang na 282,938 families o katumbas ng 1,133,093 na idibidwal ang naitalang apektado ng masamang panahon.