-- Advertisements --
Nilinaw ni Comelec Comm. George Erwin Garcia na maaari pa ring magpa-abot ng tulong ang mga politiko sa mga lugar na apektado ng bagyong Agaton.
Ayon kay Garcia, kailangan lamang ipag-paalam sa local Comelec office ang gagawing pamimigay ng relief supply o iba pang ayuda.
Pero binigyang-diin nito na hindi maaaring maglagay ng campaign materials sa relief goods, dahil paglabag na ito sa fair elections act.
Ang sinumang mapapatunayan na namimigay ng ayuda nang walang abiso sa Comelec ay masasaklaw ng paglabag sa batas at may karampatang parusa.
Dagdag pa ni Garcia, hindi lamang ito para sa local politicians, kundi maging sa national candidates.