-- Advertisements --

Nanguna ang broadcaster na si Raffy Tulfo sa pinakahuling Social Weather Station (SWS) survery sa mga nais ng mga tao na maging senador ngayong 2022 elections.

Ang nasabing survey ay nai-commission ng Stratbase ADR Institute ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario.

sws 1

Mayroong 55% ang nakuha ni Tulfo habang pumangalawa naman si Sorsogon Governor Chiz Escudero na sinundan ni Rep. Loren Legarda at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.

Pasok naman sa top 12 ayon sa survey sina Taguig Rep. Alan Cayetano, Sen. Miguel Zubiri, dating Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Kiko Pangilinan, TV host Willie Revillame, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Sherwin Gatchalian at Sen. Richard Gordon.

Isinagawa ang face-to-face survey mula Sept. 12-16 na nilahukan ng 1,200 adults na may edad 18 pataas.

-- Advertisement --