Wala nang police and military escorts ang magkakapatid na Tulfo.

Ito’y matapos ang ginawang pambabastos ng broadcaster na si Erwin Tulfo kay dating Philippine Army Chief at ngayon ay Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Joselito Bautista.

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Police Security and Protection Group chief Brigadier General Filmore Escobal na pinarereport balik ng Camp Crame ang walong police security escorts nila Erwin, Ben, Raffy, at sa asawa ni Raffy na si Jocelyn have, kahapon ng tanghali,.

Ayon naman kay PNP spokesperson Col. Bernard Banac isasailalim sa review ng PNP ang mga nasabing security detail.

Nakadepende sa magiging resulta ng review kung bibigyan pa ng security escorts si Erwin.

“Based on standard protocols, the two (2) PNP security personnel assigned to Erwin Tulfo will undergo the regular inspection, interview and debriefing this week following an assigned schedule among all PSPG personnel on security detail. The continuation of security detail will largely depend on the outcome of this regular review process and the revalidation of the level of threats against the protectees. This standard protocol applies to all authorized protectees, and not only to Erwin Tulfo,” pahayag ni Col. Banac.

Nilinaw naman ni Banac na walang kinalaman sa pambabastos ni Tulfo ang pagrereport ng dalawang escort nito sa Crame.

Samantala, kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines spokesperson B/Gen. Edgard Arevalo na pinull-out ang dalawang marines na itinalagang security detail kay special envoy to China Ramon Tulfo.

Inabisuhan na rin ng Philippine Marines si Ramon hinggil dito at pinare-report ang dalawang security detail dahil sa posibleng deployment ng mga ito.