-- Advertisements --
Nasira ang tulay sa Crimea matapos tamaan umano ng missile ng Ukraine.
Ayon sa Russia na natamaan ng long-range British misisles ang tulay na nagdurugtong sa Ukraine at Crimean peninsula.
Sinabi ni Russian-installed governor ng Kherson na si Vladimir Saldo na walang nasugatan matapos masira ang dalawang parallel Chonhar bridge.
Dagdag pa nito na utos umano mula sa Britanya ang nasabing pag-atake kung saan ginamit ang Storm Shadow missile.
Depensa naman ni Ukrainian military spokeswoman Natalia Humeniuk na target nila na masira ang ruta ng mga sasakyan ng Russia na nagdadala ng mga suplay sa mga nakakalat nilang sundalo.