Hindi na kailangan pang sumailalim sa 14-day quaratnine ang mga rescuers at miyembro ng media na magtutungo sa Tuguegarao City sa ilalim ng bagong quarantine protocols nito.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, sinabi nito na nakiusap siya sa city council na payagang baguhin muna ang quarantine protocols para sa mga rescuers at iba pang gumanitarian groups na magnanais pumasok sa syudad para tumulong sa mga binahang residente.
Ibabalik sa dati ang quarantine protocols na pinaiiral sa syudad sa oras na bumalik na sa normal ang lagay nito.
Dagdag pa ng alkalde na palagi silang nakahanda sa anomang banta ng pagbaha sa kanilang lugar ngunit hindi nila inaasahan na ganito kalawak ang magiging epekto ng bagyong Ulysses sa kanilang syudad.
Aabot aniya sa 80 hanggang 90 percent ng mga barangay sa Tuguegarao ang naapektuhan ng mataas na lebel ng tubig baha.