-- Advertisements --

ILOILO CITY – Dismayado si Transportation Sec. Arthur Tugade sa sitwasyon ng mga pantalan sa Iloilo at Guimaras.

Ito ang reaksyon ng kalihim nang bisitahin ang mga lalawigan matapos ang insidente ng pagtaob ng tatlong motorbanca sa gitna ng Iloilo Strait.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Tugade na kailangan ng i-upgrade ang mga pantalan at pumpboats na naglalayag sa naturang bahagi ng karagatan.

Nabatid ng kalihim na kulang ng communication equipments ang sea ports ng dalawang lalawigan at mga bangkang naglalayag mula sa mga ito.

Mahalaga raw ang mga gamit na ito lalo na sa gitna ng sakuna sa dagat.

Para sa Transportation secretary, kailangan ng pag-aralan ang mga bagong disenyo ng pumpboats sa lugar.

Kailangan na rin daw baguhin ang ticketing system ng dalawang pantalan.