-- Advertisements --

Hinimok ng labor group Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) si Pangulong Rodrigo Duterte na ikonsidera ang ilang libong manggagawa na mawawalan ng trabaho kasunod ng utos nitong ihinto ang lahat ng gaming schemes ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ng TUCP na bagamat ginagalan nila ang desisyon ng Pangulong na suspendihin ang operasyon ng PCSO dahil sa malawakang korapsyon, umaasa raw sila na nakonsidera rito ang mga manggagawa ng ahensya.

Umaapela ang grupo na magpatupad ng reporma sa ahensya sa lalong madaling panahon upang maiwasang makompromiso ang kabuhayan ng mga manggagawa.