-- Advertisements --

Bumaba na ang tubig sa Manchar Lake sa Sindh province ng Pakistan matapos ang ilang araw na pag-apaw nito.

Dahil dito ay agad na nagsagawa ng pag-rescue ang mga otoridad sa mga residente ng naipit sa nasabing malawakang pagbaha.

Aabot kasi sa mahigit 100,000 mga katao ang nawalan ng tirahan dahil sa baha.

Ayon kay provincial minister Jam Khan Shoro na aabot sa 33 milyon katao ang apektado na ikinasawi ng 1,343 katao ang naganap na ilang araw na pagbaha sa lugar.

Noong nakaraang mga araw kasi ay nahirapan ang mga rescuers na dahil sa mataas pa rin ang tubig baha sa lugar.