-- Advertisements --
DOH

Nananatiling isa sa pinakamalaking hamon sa Pilipinas ang patuloy na pagtaas ng kaso ng Tuberculosis.

Ayon kay Marlene Galvan, ang Focal person ng Department of Health Disease Prevention ang Control Bureau, araw-araw pa ring may naitatalang kaso ng TB sa bansa.

Sa katunayan aniya, 164 Filipinos ang namamatay araw-araw dahil sa nasabing sakit.

Noong 2021, umabot sa 1.6million katao ang namatay dahil sa nasabing sakit. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng akma at mabilis na gamutan laban dito.

Ayon kay Galvan, kabilang ang Pilipinas sa walong bansa na bumubuo sa 75% ng kabuuang kaso ng Tuberculosis sa buong mundo.

Dahil dito, hinikayat ni Galvan ang publiko na bantayan ang kanilang sarili laban sa nasabing sakit, at ugaliin ang maagang pagpapakonsulta.

Samantala, kabilang sa mga posibleng maramdaman kapag nakaranas ng nasabing sakit ay ang mahaba-habang pag-sipon, mabilis na pagbabawas ng timbang, palaging napapagod, pananakit ng dibdib, kawalan ng ganang kumain, at iba pa.

Ayon kay Galvan, hindi lamang hamon para sa Kagawaran ng Kalusugan ang naturang sakit kung di sa lahat ng mamamayan.