Idineklara ni U.S. President Donald Trump na kanyang tinapos na ang kasunduang tigil-putukan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran matapos ang panibagong palitan ng mga pag-atake sa nakalipas na magdamag.
Sa kanyang pagdalo sa NATO Summit nitong Miyerkules, sinabi ni Trump na naglunsad ang U.S. ng matitinding pag-atake laban sa Iran at nagbabala na maaari pa itong maulit.
Inakusahan din niya ang pamahalaan ng Iran na sinungaling at ”scum” kung saan nilabag umano nito ang kanilang memorandum of understanding (MoU) na nilagdaan ng dalawang bansa noong Hunyo 17, 2026.
Ayon kay Trump, wala na siyang interes na ipagpatuloy pa ang pakikipag-usap sa Iran at sinabi niyang wala na siyang tiwala sa mga opisyal nito.
Buwelta naman ng Iranian Foreign Minister na si Abbas Araghchi na kanilang sasagutin ang Estados Unidos hindi lang sa pagbibitiw ng pananakot kundi papantayan aniya nila ito ng malalang aksyon.
Samantala, muling ibinalik ng Estados Unidos ang sunction sa Iran matapos bawiin ang pansamantalang suspensyon kasunod ng ceasefire deal.
Dahil sa panibagong tensyon, muling tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa pangamba sa posibleng paglala ng sigalot sa Gitnang Silangan.
















