Nilibot ni US President Donald Trump ang mga nasirang kabahayan sa Nashville,Tennessee matapos tamaan ang nasabing syudad ng malakas na buhawi ngayong linggo.
Binisita rin ng presidente ang Putnam County kung saan sinira ng buhawi ang halos 2 milyang kalsada nito at nag-iwan ng 18 patay kasama ang limang bata habang daan-daan naman ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa mga sugat na natamo.
Umabot ng 24 katao ang nasawi dahil sa buhawi.
“When you have those who lost somebody, that’s a very tough situation. We are with you all the way,” ani Trump.
Sinalubong ang American president nina Tenneessee Gov. Bill Lee, U.S. Sen. Marsha Blackburn at iba pang matataas na opisyal.
Napuno ang bawat kalsada ng mga debris mula sa mga kabahayan na dati ay matayog na nakatayo at kitang kita rin ang mga nabaling puno na nakahambalang sa daanan.
Nakipagkita rin si Trump sa mga survivors at volunteers sa isang simbahan kung saan pinuno ang loob nito ng mga emergency supplies, tubig at mga damit.