Sinalungat ni President Donald Trump ang sarili nitong health officials dahil sa kanilang naging pahayag tungkol sa importansya ng pagsusuot ng mask at timeline ng COVID-19 vaccine.
Tila naguguluhan aniya si Dr. Robert Redfield, director ng US Centers for Disease Control and Prevention, sa kaniyang congressional testimony.
Ayon kasi kay Redfield, mas epektibo pa rin umano ang pagsusuot ng face mask para makaiwas sa deadly virus kaysa sa potential vaccine na ipinagmamalaki ni Trump.
Maaari rin aniya na sa second o third quarter pa ng 2021 mamakita ang publiko ng malawakang resulta sa gagawing coronavirus vaccination.
Para sa Republican president, hindi raw naiintindihan ni Redfield ang mga nangyayari. Giit nito na mas magiging epektibong panlaban sa deadly virus ang bakuna kaysa sa pagsusuot ng mask.
Hinikayat din nito ang doktor na pag-isipang mabuti ang mga impormasyon na inilalahad sa publiko.