-- Advertisements --
Plano ngayong ng administration ni US President Donald Trump na tanggalin ang nasa 700,000 katao mula sa food stamps.
Ayon kay Trump na ang maraming mga American na benepesaryo ng food stamps sa pamamagitan ng Supplemental Nutrition Assistance Program o SNAP, ay hindi na kinakailangan dahil sa malakas ang ekonomiya at bumaba na rin ang bilang ng mga walang trabaho.
Ang nasabing programa ay nagbibigay ng libreng pagkain sa may 36 million Americans.
Nilimitahan na rin ng US ang mga tatanggap ng food stamps na dapat ay mula 18 hanggang 49 na walang dependents o disability na hanggang tatlong buwan lamang ito.