Pinagbawalan pansamantala ng US judge si President Donald Trump na mag-deploy ng National Guards sa Los Angeles, California sa gitna ng mga protesta laban sa ikinakasang raids sa siyudad.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni San Francisco-based US District Judge Charles Breyer sa National Guard na bumalik sa ilalim ng kontrol ni California Governor Gavin Newsom na siyang nagrekomenda na restriktuhan ang US president sa pagdedeploy ng mga tropa.
Epektibo ang kautusan ng US judge sa tanghali ng Biyernes, oras sa Amerika.
Samantala, agad namang ini-apela ng Trump administration ang kautusan ng huwes.
Matatandaan, nauna ng ipinag-utos ni Trump ang pagdedeploy ng National Guard at sinundan ng pagpapakalat ng Marines sa mga protest site para matulungan ang federal police forces na bantayan ang mga gusali ng gobyerno ng Amerika at protektahan ang federal immigration agents mula sa mga posibleng pag-atake ng mga nagpoprotesta.