Napatunayan ng grupo mga hurado sa federal court sa Manhattan New York na inabusong sekswal ni dating US President Donald Trump si E. Jean Carroll.
Naganap ang pang-aabuso ni Trump sa dating kolumnista ng New York noong 1996 sa isang dressing room ng Bergdorf Goodman department store.
Hindi naman nakita ng mga hurado na ginahasa siya ng dating pangulo.
Una kasing inireklamo ni Carroll ang dating pangulo ng paninirang puri at panggagahasa na itinanggi naman ni Trump.
Dahil sa napatunayan ng mga hurado na positibo ito sa sexual abuse ay mararapat na siya ay sampahan na ng kasong battery o pananakit.
Tinawag naman ng mga abogado ng dating pangulo na ang civil case ay isang malaking kalokohan.
Pagtitiyak nila na handa nilang harapin ang anumang kaso.