Ibinahagi ni US President Donald Trump ang kaniyang pagnanaisa na pansamantalang suspendihin ang G7 summit hanggang matapos ang gaganapin na presidential election sa buwan ng Nobyembre.
Sa kaniya press briefing sa White House, sinabi nito na mas gusto niyang gawin ang naturang summit sa oras na matapos na rin ang eleksyon.
“I think it’s just a better, calmer atmosphere,” paliwanag ng Republican president.
Aniya maaari raw itong isagawa sa pamamagitan ng teleconference ngunit pag-iisipan pa raw niyang mabuti kung paano ang magiging setup ng kanilang pagpupulong.
Naantala ang G7 meeting dahil sa coronavirus pandemic. Ilang world leaders naman ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na magkita-kita sa personal.
Bago ito ay naging bukas si Trump na imbitahan ang iba pang bansa na hindi myembro ng G7. Nang tanungin kung mananatili ang kaniyang desisyon na papuntahin sa pagpupulong si Russian President Vladimir Putin, kumpyansang sinabi ng presidente na iimbitahan nito si Putin dahil isa siyang importanteng factor sa nasabing pagpupulong.