-- Advertisements --
Nagbanta si US President Donald Trump na hindi nito lalagdaan ang $892-billion coronavirus relief bill na kakailanganin para tulungan ang mga Amerikano na nawalan ng trabaho dahil sa health crisis.
Ayon sa outgoing Republican president, dapat itong amiyendahan para dagdagan ang halaga ng stimulus checks na ipamimigay sa mamamayan ng Estados Unidos.
Ang panukala raw kasi na isinusulong ng mga mambabatas ay iba sa inaasahan ni Trump.
Parehong ipinasa ng US House of Representative at Senado ang naturang panukala noong Lunes.
Saad ni Trump, nais nito na taasan pa ng Kongreso ang halaga ng stimulus checks na $2,000 para sa mga indibidwal at $4,000 naman para sa mga mag-asawa, kumpara sa $600 na nakasaad sa panukala.