-- Advertisements --

Hindi pa rin tumigil si dating US President Donald Trump na banatan si New York Attorney General Letitia James at judge ng kaniyang civil case na si Judge Arthur Engoron.

Sa ikalawang araw na pagdinig ng kaniyang civil fraud case na inakusahan ni Trump ang dalawa na nagbibigay ng maling impormasyon.

Inihalimbawa nito na sinabi ng judge na ang kaniyang Mar-a-lago properties ay nagkakahalaga lamang ng $18 milyon pero sa katunayan aniya ay nagkakahalaga ito ng $1.5 bilyon.

Kinuwestiyon naman ni Judge Engoron ang mga abogado ni Trump na hindi na dapat nila kontrahin ang kaniyang inilabas na desisyon noon.

Kaya nagkaroon aniya ng pagdinig ay para iapela ang mga kasong panloloko na ginawa ng dating pangulo at ang mga anak nito.

Nagbunsod ang kaso ng hindi paglalabas ni Trump ng tunay na financial statements sa kaniyang negosyo sa New York.