Kumpiyansa si US President Donald Trump sa naging pag-uusap nila ng China sa Switzerland noong Sabado (local time) kung saan tinalakay din ng dalawang bansa ang ”total reset” hinggil sa mga isyung kinahaharap.
Pinuri pa ni Trump ang mga pag-uusap bilang magaan at makatarungan. Ayon kay Trump sa kanyang post sa Truth Social, “GREAT PROGRESS MADE!!!” ang nangyaring pag-uusap ngunit hindi inilahad ang mga detalye ng mga napagkasunduan.
Nabatid na bago ang paguusap na naganap sa Switzerland una nang nakapag pulong ang mga opisyal ng China at US sa Geneva, Washington na naglayong pagaanin ang trade war sa pagitan ng dalawang bansa, na nagdulot ng matinding epekto sa global economy.
Bagamat walang opisyal na pahayag ukol sa mga naging usapan, ipinagdiwang ni Trump ang pagkakaroon ng progreso.
Sa kabilang banda nagdulot naman ng mahigit $600 billion na pagkalugi sa bilateral na kalakalan ang trade war, gayundin ang takot nito sa mga ekonomiya sa buong mundo. Layunin ng US na mabawasan ang $295 billion trade deficit nito sa China.
Habang ang China ay patuloy na tinutuligsa ang mga taripa ng US, kinikilala naman nito ang mga talakayan bilang isang positibong hakbang upang maresolba ang hidwaan. Ang mga negosasyong ito ay inaasahang magpapatuloy hanggang Lunes, Mayo 12, 2025.