-- Advertisements --
Kinontra ni US President Donald Trump ang pahayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na walang nagugutom sa Gaza.
Sinabi ni Trump na mayroong totoong malalang kagutuman sa sa Gaza kung saan malinaw na nagsisinungaling ang Israeli Prime Minister.
Isinagawa ni Trump ang pahayag sa pulong niya kay United Kingdom Prime Minister Keir Starmer habang ito ay nasa Scotland.
Sinabihan nito ang Israel na dapat ay tulungan na lamang ang Gaza dahil sa kalunos-lunos na lagay ng mga residente ng Gaza.